^

Probinsiya

Sanggol binatukan ng ama, patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang beybi ang nasawi makaraang batukan ng sariling ama sa kainitan ng pakikipagtalo sa kanyang live-in partner sa Brgy. Bagumbayan, Sta Cruz, Laguna, ayon sa opisyal kahapon.

 Kinilala ni Laguna Provincial Police Office Director P/Col. Eleazar Matta ang biktima na si Daniel Timana, may dalawang linggo pa lamang nang maisilang ng kanyang ina. 

Nahaharap naman sa kasong parricide ang suspek na  si Robert Binaya na pinaghahanap na ng mga awtoridad.

 Sinabi ni Matta, ang insidente ay inireport sa pulisya dakong alas-6 ng gabi nitong Setyembre 17 nina Brgy. Kagawad Gregorio Medina at Che Belga bagama’t naganap ang krimen dakong alas-4 ng hapon, may dalawang araw na ang nakalilipas.

Nag-away umano ang suspek at live-in partner nito kung saan sa gitna ng mainitang pagtatalo ay umuha ang sanggol kaya napagdiskitahang sampalin nang malakas ng kanyang ama na tumama naman sa batok ng beybi.

Sa lakas ng hampas, namuo ang dugo sa may bahagi ng ulo ng beybi na naging sanhi ng kamatayan nito. 

vuukle comment

SANGGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with