^

Probinsiya

5-anyos kinatay ng 14-anyos na galing mental

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines – Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 5-anyos na totoy matapos katayin ng 14-anyos na binatilyong kaanak na kalalabas lamang sa mental hospital sa Tuao, Cagayan kamakalawa. 

Sa report kay Major Reymund Asistores, hepe ng Tuao Police, walang bahid ng alinlangan na iti­nuro ng suspek na itinago sa pa­ngalang Roger ang kinalalag­yan ng duguang bangkay ng bata na tadtad ng taga sa gitna ng maisan dakong alas-12:00 ng tanghali. Gayunman, walang narekober ang mga imbestigador na murder weapon sa kinatagpuan ng bangkay.

Nabatid na unang iniwan ng mga magulang ang biktima sa pangangalaga ng suspek dakong alas-7:00 ng umaga upang magtrabaho sa anihan.  

Sinabi naman ng lola ni Roger na madalas niyang madatnang nagsasalitang mag-isa ang huli na animo’y may kausap na masamang espiritu kaya’t ipinasuri nila sa mental hospital sa lungsod subalit kalaunan ay pinayagan ng mga doktor na umuwi sa kanilang bahay.

Isinailalim ng mga awtoridad sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang menor-de-edad na suspek.

vuukle comment

MENTAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with