^

Probinsiya

4 ‘tulak’, SAF member utas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

3 pang pulis sugatan

MANILA, Philippines – Apat na pinaghihinalaang notoryus na drug pusher at isang miyembro ng Special Action Force (SAF) ang nasawi habang tatlo pa sa mga awtoridad ang nasu­gatan matapos na mauwi sa shootout ang buy-bust operation sa Brgy. Luuk Pandan, Bongao, Tawi-Tawi nitong Martes.

 Kinilala ni Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Min­danao (BARMM) Director Brig. Gen. Marni Marcos ang isa sa apat na napatay na umano’y drug pusher na si Ibno Suhud Jaani alyas “Suyung” habang ang nasa­wing kasapi ng SAF ay si P/Staff Sergeant John dela Peña.

Isinugod naman sa paga­mutan ang tatlong nasugatang pulis na sina Staff Sergeant Feler Perito, Staff Sergeant Liberato Antang at Corporal Diomar Tibor.

 Bandang alas-3:30 ng madaling araw, ayon kay Marcos nang magsagawa ng anti-illegal drug operations ang pinagsanib na elemento ng Bongao Police at 51st Special Action Company ng PNP-SAF sa pakikipagkoordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa grupo ng mga drug pushers sa Brgy. Luuk Pandan, Bongao.

 Gayunman, habang isinasagawa ang transaksyon ay nakatunog ang mga suspek na undercover agent ang kanilang ka-deal kaya’t agad silang nagpaputok ng baril na nauwi sa palitan ng putok na ikinabulagta ng apat na suspek habang minalas na tamaan ng bala ang nasabing mga pulis. Narekober sa napatay na si Suyung ang 50 gramo ng shabu. 

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with