^

Probinsiya

4 kawatan ng manok binoga ng shotgun, 1 dedo

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

TARLAC CITY, Philippines – Patay ang isang 16-anyos na binatilyo habang tatlong kasamahan ang sugatan na umano’y mga magnanakaw ng panabong na manok matapos pagbabarilin ng shotgun ng may-ari ng isang farm sa Brgy. Suizo, Tarlac City noong Martes ng madaling araw. Sa ulat sa tanggapan ni P/Lt. Col. Joel Mendoza, hepe ng Tarlac Police Station, kinilala ang napatay na suspek na si Joshua Dela Cruz, habang sugatan ang tatlo pang kasamahan na kapwa menor-de-edad at mga residente ng Brgy. San Vicente ng lungsod. Kinilala naman ang nakapatay na may-ari ng naturang farm na si Edgar Samson 51-anyos, residente ng Getha Road, Brgy. Maliwalo, Tarlac City. Sa ulat pasado ala-1:00 ng madaling araw nang pasukin ng mga hinihinalang kawatan ang farm. Nakaramdam ng ingay si Samson kaya’t nang makita ang mga suspek sa loob ng farm ay kanyang sinigawan. Nataranta ang mga suspek kaya dali-daling tumakbo bitbit ang mga ninakaw na mamahaling panabong na manok ngunit agad na pinagbabaril ng shotgun ni Samson na nagresulta sa pagkamatay ni dela Druz habang nasugatan ang tatlong kasamahan. Ayon sa pulisya, posibleng makasuhan ng homicide si Samson habang ang tatlong sugatan ay nakalabas na sa pagamutan at dinala sa DSWD.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with