Kabilang sa mga nasawi ay kinilalang sina Hershey Pasquin, 6-anyos; Trisha Apus, 10-anyos; Regine Divine Ayupan, 6-anyos; Wilyn Jade Babon, 6-anyos at isa pang batang lalaki.
File
Dumaan sa shortcut galing sa night swimming Truck nag-dive sa bangin: 20 patay
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Nasa 20 katao kabilang ang apat bata na karamihan ay magkakaanak ang nasawi habang 14 pa ang sugatan matapos na mahulog sa malalim na bangin ang kanilang sinasakyang forward truck na galing sa night swimming sa T’boli, South Cotabato kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga nasawi ay kinilalang sina Hershey Pasquin, 6-anyos; Trisha Apus, 10-anyos; Regine Divine Ayupan, 6-anyos; Wilyn Jade Babon, 6-anyos at isa pang batang lalaki.

Sa ulat ni Director Minda Morante, ng Office of Civil Defense (OCD)-12, 15 katao sa nasabing bilang ang dead-on-the- spot sa insidente habang ang iba ay namatay pagdating at habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan. 

Kabilang naman sa mga malubhang nasu­gatan sa trahedya na ginagamot sa Upper Valley Community Hospital ay sina Hailey Pasquin, 1-an­yos; Hernanie Pasquin, 34-anyos; Pretty Gabio, 9-anyos; Dave Ayupan, 10; Ian Decolo­ngon, 28; Shane Gabio, 27; Analyn Pendatun, 30; Rodel Rabara, 41; Argie Gaylar, 34; at Princess Gabio, 8-anyos, habang inaalam ang pagkakakilanlan ng iba pa.

Sa ulat, alas-9:30 ng umaga habang pauwi ang mga biktima lulan ng forward truck (WNN-207) galing sa night swimming sa dagat ng General Santos City nang pagsapit nila sa mabundok na bahagi at hangganan ng Brgy. Lamsalome at Lambangan, T’boli ay nagkaaberya umano ang nasabing truck hanggang sa hindi nakontrol ng dri­ver ang manibela at tuluy-tuloy silang nag-dive sa malalim na bangin.

Sinasabing nasa 34 katao ang sakay ng truck kasama na ang drayber at pauwi na sana sa Surallah, South Cotabato nang dumaan umano sila sa bagong gawang T’boli-Gensan shortcut road upang mapadali ang kanilang biyahe.

Mabilis na nagresponde ang search and rescue team katuwang ang lokal na pamahalaan sa kinahulugan ng trak. Nang makarating sa lugar, nadatnan nila ang mara­ming nagkalat na bangkay at pahirapan pa nang iahon nila ang mga ito isa-isa mula sa malalim na bangin at maging ang mga sugatan na kanilang isinugod sa ospital.

ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with