700 kilong pampasabog samsam
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa 700 kilo ng ammonium nitrate na sangkap sa paggawa ng bomba at isang 81mm mortar fuse na hinihinalang pag-aari ng mga teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang narekober ng tropa ng militar sa Brgy. Latih, Patikul, Sulu kamakalawa.

Ayon kay Lt. Col. Gerald Monfort, spokesman ng AFP Joint Task Force (JTF) Sulu, dakong alas-10 ng umaga nang ireport ng isang residente sa tropa ng 63rd Mechanized Company ng 1st Brigade Combat Team (1 BCT) ng Philippine Army ang eksplosibong itinago ng mga bandido sa isang abandonadong bahay sa kanilang barangay. Nitong Sabado, pansamantalang nagpahinga sa abandonadong bahay ang mga bandido matapos ang pagha-harass sa mga residente sa lugar. Nang makaalis, naglakas loob ang ilang residente sa lugar na tingnan ang nasabing kubo at dito ay nadiskubre nila ang mga sangkap ng pampasabog.

Sinabi ni Brig. Gen Leopoldo Imbang Jr, commander ng 1BCT na kadalasang nagpre-preposition ng mga pampasabog ang ASG sa labas ng Metro Jolo para i-pick up at i-deliver ng ibang mga ASG members na ginagamit nila sa paghahasik ng terorismo.

ABU SAYYAF GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with