Kagawad inutas ng pasahero
Jorge Hallare, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta sa loob mismo ng minamanehong tricycle ang isang kagawad ng barangay matapos na barilin ng kanyang pasahero sa Zone-1, Brgy. Pawa, lungsod na ito  noong Lunes ng gabi. Tatlong tama ng bala mula sa Kalibre .45 na baril ang agad ikinasawi ng biktimang si Allan Del Ayre, 40-anyos, residente ng Brgy. Bitano ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang sumakay ang hindi nakilalang gunman sa tricycle ng biktima at nagpahatid sa nasabing barangay. Gayunman, bago bumaba ang suspek ay pinagbabaril nito ang biktima na tinamaan sa leeg, ulo at katawan.

Ayon sa mga nakasaksi, limang magkakasunod na putok ang kanilang narinig at matapos ang pamamaril ay nakitang naglakad lang ang suspek papatakas kung saan tinutukan pa ang mga nadaanang tambay. Ilang basyo ng bala ang natagpuan ng mga pulis sa lugar ng insidente.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with