Pinagkaguluhan ng mga residente ang pagkakadiskubre sa isang patay na babae na sunog ang ulo at walang saplot pang-ibaba na hinihinalang ginahasa bago pinagbabaril sa isang bakanteng lote sa gilid ng kalsada ng Brgy. Patitinan sa Sagnay, Camarines Sur kahapon ng umaga.
Jorge Hallare
Bebot ginahasa, pinatay bago sinunog
Jorge Hallare, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang babae matapos na hinihinalang ginahasa muna bago pinagbabaril at sinunog pa ang mukha saka iniwan ng hindi kilalang salarin sa isang bakanteng lote sa Brgy. Patitinan, Sagnay, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Ang biktima ay tinata­yang nasa pagitan ng 25-35 anyos at walang nakuhang anumang pagkakakilanlan nito sa lugar.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) V, bandang alas-7 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng babae na walang saplot pang-ibaba habang sunog na sunog mula dibdib hanggang ulo nito na inabandona sa gilid ng kalsada sa Sitio Rawis, Brgy. Patitinan, Sagnay ng nasabing lalawigan.

Ayon kay P/Major Ma. Luisa Calubaquib, taga­pagsalita ng Bicol Police, isang Bernard Corderes ang nakatagpo sa bangkay matapos siyang mapadaan sa naturang lugar. Agad niya itong inireport sa mga awtoridad na mabilis na nagresponde sa crime scene.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Sagnay Municipal Police, posibleng sa nasabing lugar mismo brutal na pinaslang ang nasabing babae base sa mga basyo ng bala na narekober sa lugar.

Wala namang nakaka­kilala sa mga residente sa biktima na pinaniniwalaang taga-ibang lugar.

Isinailalim na sa awtopsiya ang bangkay habang patuloy ang imbestgasyon ng pulisya sa kaso.

RAPE SLAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with