^

Probinsiya

Sangkot sa robbery at kidnapping Ex-cop na wanted, 1 pa utas sa shootout!

Joy Cantos, Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Sangkot sa robbery at kidnapping Ex-cop na wanted, 1 pa utas sa shootout!
Sa ulat ng tanggapan ni PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) Director Police Colonel Jonnel Estomo, kinilala ang napatay na si dating Police Officer 2 Arlan Augilar na natanggal sa serbisyo sa PNP habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isang kasama nito.
File

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang dating pulis at isang kasama nito na sinasabing mga miyembro ng kilabot na robbery group na “Gapos Gang” at sangkot sa kidnapping matapos silang manlaban sa arresting team ng pulisya sa Abaya Road, Brgy. Toclong, Kawit, Cavite nitong Lunes ng madaling araw.

Sa ulat ng tanggapan ni PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) Director Police Colonel Jonnel Estomo, kinilala ang napatay na si dating Police Officer 2 Arlan Augilar na natanggal sa serbisyo sa PNP habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isang kasama nito.

Ang mga suspek ay sang­kot umano sa pagdukot sa ilang opisyal ng Bureau of Revenue at mga miyembro ng “Gapos Gang” na nanlolob sa mga target nilang bahay.

Si Aguilar ay isa sa mga itinuturong sangkot sa pagpatay kay Atty. Eduardo Torres Malinis ng Cavite matapos nilang igapos at pagnakawan kamakailan.

Bandang alas-2:30 ng madaling araw, nagsagawa ng operasyon ang pulisya upang isilbi ang warrant of arrest laban sa nasabing dating pulis sa kasong robbery with homicide na inisyu ni Judge Matias Garcia II ng Bacoor City Regional Trial Court (RTC) Branch 19.

Naispatan ng arresting team ang mga suspek lulan ng motorsiklo at nang makatunog ay tinangka umano nilang tumakas patungo sa direksyon ng Centennial Road sa Brgy. Putol, Kawit. Dito’y nagkaroon ng habulan at nang malapit nang makorner ang mga suspek sa nabanggit na lugar ay nagpaputok sila ng baril na nauwi sa shootout.

Sa palitan ng putok, kapwa tumimbuwang sina Aguilar at kasama nito na agad binawian ng buhay sa insidente.

Narekober ng mga awtoridad sa lugar ang dalawang cal. 45 pistol, mga magazines at bala, apat na plastic sachet ng shabu at isang Honda Bravo motorcycle ng mga suspek.

vuukle comment

ROBBERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with