^

Probinsiya

Motor sinalpok ng kotse: Mag-ama patay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Motor sinalpok ng kotse: Mag-ama patay
Kapwa nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan sina Ramilo Dequito, 45-anyos at Ryan James Dequito, 13-anyos, Grade 7, mga residente ng Barangay Mangilag Sur samantalang patuloy na nilalapatan ng lunas sa Peter Paul Hospital dahil sa mga sugat sa katawan si Ramsey Dequito, 5, kindergarten pupil.
File

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang rider at menor-de-edad niyang anak habang malubhang nasugatan ang isa pa nitong anak matapos salpukin ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng isang kotse sa Candelaria-San Juan road, Barangay Sta. Catalina Norte, kamakalawa ng umaga.

Kapwa nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan sina Ramilo Dequito, 45-anyos at Ryan James Dequito, 13-anyos, Grade 7, mga residente ng Barangay Mangilag Sur samantalang patuloy na nilalapatan ng lunas sa Peter Paul Hospital dahil sa mga sugat sa katawan si Ramsey Dequito, 5, kindergarten pupil.

Sa ulat ng pulisya, patungo sa San Juan, Batangas ang mag-aama sakay ng Rusi motorcycle nang banggain ito dakong alas-9:10 ng umaga sa hulihang bahagi ng Toyota Vios (ZND-731) na minamaneho ng hindi pa nakikilalang suspek.

Dahil sa tindi ng pagkakabangga, tumilapon ang mag-aama at una ang mga ulong bumagsak sa kalye.

Matapos ang aksidente, tumakas ang driver ng kotse na pinaghahanap na ng pu­lisya.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with