^

Probinsiya

37 katutubo nadale ng ‘P1 milyong scam’

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Sinagip ng mga awtoridad ang 37 katutubong Agta na nagantso sa scam na umano’y magkakaloob sa kanila ng tig-P1 milyon matapos silang hindi siputin ng samahang nangolekta sa kanila ng pera sa Barangay Buntun ng lungsod na ito noong Sabado.

Sinabi ni Cagayan Police Director Colonel Ignacio Cumigad na ang mga katutubo, anim sa kanila ay paslit, ay bumaba pa sa kabundukan ng Sierra Madre at naglakbay ng mahigit 80 kilometro dito upang sunduin patungong Marikina City para makuha ang ipinangakong milyong piso na magmumula umano kay Bishop Danilo Villanueva, isa sa sinasabing pinuno ng National People’s Initiative Council (NPIC).

Gayunman, namuti na ang mga mata ng mga katutubo pero hindi dumating ang kanilang kausap na mag-amang Rufino Onio at Maria Bersena na taga-Sta. Ana.

Ang mag-ama umano ang nag-recruit sa mga katutubong Agta o Aeta na naninirahan sa kagubatan para magpami­yembro sa NPIC at makakuha umano ng isang milyong piso.

Ayon kay Cumigad, ang mga katutubong biktima ay hiningan ng P400 hanggang P2,000 ng NPIC bilang membership fee.

Sinabi rin ni Cumigad na lumalabas na hindi obispo ng Simbahang Katolika si Villa­nueva. Pero ayon sa mga biktima, nabatid nila na “Obispo” si Villanueva ng “Iglesia ni Digong” na sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte. 

Hinatid ng pulisya ang mga katutubo pabalik sa kanilang tribo sa Gattaran at Buguey habang patuloy ang ginagawang pagsisiyasat sa nasabing kaso.

 

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with