^

Probinsiya

Siniraan umano ng superior Police major nag-suicide!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Siniraan umano ng superior Police major nag-suicide!

NORTH COTABATO, Philippines — Duguan at patay na ang isang police major nang matagpuan sa loob mismo ng kanyang kotse makaraang magbaril umano sa sarili dahil sa hinihinalang problema sa kanilang organisasyon at sa umano’y sobrang sama ng loob nito sa nakatataas niyang opisyal sa Philippine National Police sa Purok Osmena, Brgy. Pob­lacion, Bagumbayan, Sultan Kudarat noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasabing biktima na si Police Major Kristian Ace Sularte, 35-anyos, nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 11 at residente ng nabanggit na lugar.

Sa ulat ng pulisya, pasado ala-1:00 ng hapon nang matagpuan na lamang si Su­larte na wala nang buhay at may tama ng bala sa leeg sa driver’s seat ng kanyang silver gray na Mitsubishi Mirage (1201-122312) sa labas lamang ng kanilang bahay.

Narekober sa loob ng sasakyan ang isang baril na hinihinalang ginamit ng opisyal sa pagpapatiwakal.

Bago ang insidente, nakapagpadala pa umano ng mga text messages ang biktima sa kanyang superior na nagsasaad ng kanyang matinding sama ng loob dito.

“Oo nga na train tayo sa academy na maging matigas inside and out pero tao lng din kmi sir nasasaktan at napapagod din at buong paninilbihan ko sayo sir never man lng ako nakarinig appreciation galing sa inyo sir para ma high morale lng naman ako,” saad sa text message.

“Sinira nu ang career ko sir kaya wala narin ako rason para ipagpatuloy pa ito sir at kung ano man mangyari sa akin sir kargo de konsensya nu to lahat sir pati sa mga anak ko sir at sa nanay ng mga anak ko sir. Sana may lakas ka ng loob para sabihin sa mga anak ko na walang kwentang tatay ang ama ako sa knila or kung na­ging matino man ako sir kayo na bahala magpaliwanag sa knila. Sana masaya kana sa ginawa mo sir Mxxxxx, sir!!!,” ilang bahagi pa ng text messages ng biktima sa kanyang opisyal bago umano ang sinasabing pagpapatiwakal.

Sa kabila nito, hindi pa iniaalis ng pulisya na may “foul play” sa insidente habang nagsasagawa pa sila ng im­bestigasyon.

vuukle comment

SUICIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with