Sa ulat, “grave misconduct at gross neglect of duty” ang kinakaharap ni Talisay Mayor Gerry Natanauan, base sa isinampang kaso ng kapatid na si Vice Mayor Charlie Natanauan at sina Sangguniang Kabataan President Nestor Cabrera, Councilor Henry de Leon, dating Association of Barangay Captains (ABC) President Nestor Maala, at dating Konsehal Eugenio Salisi.
File
Batangas mayor kinasuhan ng utol
Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2019 - 12:00am

BATANGAS, Philippines – Naha­harap ngayon sa kasong administratibo sa Ombudsman ang isang municipal mayor ng Batangas matapos sampahan ng kaso ng sarili nitong kapatid at ilang lokal na opisyal dahil umano sa maanomalyang mga transaksyon sa paggamit ng pondo ng bayan.

Sa ulat, “grave misconduct at gross neglect of duty” ang kinakaharap ni Talisay Mayor Gerry Natanauan, base sa isinampang kaso ng kapatid na si Vice Mayor Charlie Natanauan at sina Sangguniang Kabataan President Nestor Cabrera, Councilor Henry de Leon, dating Association of Barangay Captains (ABC) President Nestor Maala, at dating Konsehal Eugenio Salisi.

Sa 5-pahinang complaint, pinayagan umano ni Mayor Natanauan ang pagbili ng mga gamit na hindi dumaan sa bidding at ang pagbabayad ng bill sa telepono at gas sa pamamagitan ng reimbursements imbes na bayaran ng tseke mula sa lokal na pamahalaan.

“Gerry was accused of allowing the monthly payment for telephone and gasoline expenses amounting to P758,724.41, as well as delayed construction payments worth P30,672,242.23. He was also faulted for failing to submit disbursement vouchers amounting to P9,476,946.79,” nakasaad sa reklamo.

Nagkaroon din uma­­no ang alkalde ng 22 infrastructure pro­jects na nagkakahalaga ng P37,539,849.43 at ang pagbili ng athletic uniforms at snacks sa hala­gang P766,514.33 na hindi sumailalim sa Government Procurement Reform Act.

 

BATANGAS MAYOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with