Trader todas sa pananambang
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang isang 64-anyos na negosyante matapos na tambangan at barilin habang nagmamaneho ng tricycle sa kahabaan ng national highway ng Purok-2, Brgy. Mabini, Daraga, Albay noong Martes ng gabi.

Isang tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ng biktimang si Eriberto Asilo Lomerio, residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-6:40 ng gabi habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng highway patungong sentro ng Daraga para sunduin ang anak na dalaga na nagtatrabaho sa bayan nang abangan ng hindi nakilalang suspek at pinutukan.

Wala namang naka­kita sa pamamaril sa biktima na inakala noong una na naaksidente lang sa kalsada.

Ayon sa anak ng biktima na si Gilbert, 29-an­yos, noong una inakala nilang naaksidente ang kanyang tatay nang may tumawag na residente na sumadsad ang tricycle nito at nakitang duguan sa tabi ng kalsada kaya agad nilang isinugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City pero namatay habang nilalapatan ng lunas.

Sinabi ng doktor na sumuri na hindi sa mga sugat sa aksidente namatay ang biktima kundi sa tama ng punglo sa katawan nito. Joy Cantos

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with