Sa ulat, dakong alas-5 ng madaling-araw nang pasukin ng mga awtoridad ang bahay ng mga Ameril ngunit tanging ang maybahay lamang nito na si Vice Mayor Bai Janine ang kanilang nadatnan.
File
Vice mayor arestado sa raid, P1.3 milyong shabu samsam
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - September 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Arestado ang vice mayor ng Datu Unsay, Maguinda­nao matapos na masamsam umano ang nasa P1.3-mil­yong halaga ng shabu at mga armas sa kanilang bahay sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-BARMM at Philippine Drug Enforcement Agency-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-ARMM) sa compound sa Sitio Ameril, Brgy. Manggay, Talitay, nasabing lalawigan noong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni PDEA-BARMM Director Juvenal Azurin, ang nadakip na si Datu Unsay Vice Mayor Bai Janine Ame­ril, asawa ni dating ARMM Assemblyman Sidic Ameril ng 2nd District ng Maguindanao.

Sa ulat, dakong alas-5 ng madaling-araw nang pasukin ng mga awtoridad ang bahay ng mga Ameril ngunit tanging ang maybahay lamang nito na si Vice Mayor Bai Janine ang kanilang nadatnan.

Nadiskubre sa bahay ng mga Ameril ang nasa P1.3 milyong halaga ng shabu, isang Winchester caliber 30 rifle na may mga bala at karagdagang 40 rounds ng bala ng armalite.

Nabatid na target ng ikinasang operasyon ang isang Mike Kabagani alyas “Kumander Mike” na may warrants of arrest sa mga kasong kidnapping at illegal detention na inisyu ni Judge Lacsamana Busran ng RTC Branch 36 sa General Santos City.

Si Kumander Mike ay hinihinalang nagtatago umano sa compound ng mga Ameril at ang tatlo pang suspek sa kalapit na kabahayan na pawang hindi nadatnan sa raid.

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with