_ngayon
^

Bebot lumutang sa Taal Lake

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 5, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nagulantang ang mga residente makaraang matagpuan ang bangkay ng isang babae na lumulutang sa Taal Lake sa Brgy. Balakilong, Laurel, Batangas kamakalawa ng tanghali. Sa ulat ng Batangas Police, dakong alas-11:54 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng hindi pa nakila­lang babae sa Taal Lake na nasasakupan ng nabanggit na lugar. Ang bangkay ng babae ay tinatayang nasa 25- 35 taong gulang  kung saan nagsisimula na itong lumobo at maagnas. Ayon sa pulisya, ang bangkay ay nakasuot ng kulay puting t-shirt at asul na panty na may taas na 5’4 talampakan.

TAAL LAKE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with