^

Probinsiya

Anak na nanakal, kinatay ng 68-anyos ama

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Anak na nanakal, kinatay ng 68-anyos ama
Sa ulat, dakong alas-12:40 ng madaling-araw, nagising ang tatay sa ingay ng mga anak na sina Johnny at Isaw na parehong lasing at nag-aaway.

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay ang isang 44-anyos na lalaki ma­tapos pagtatagain ng sariling tatay na 68-anyos nang sakalin ng biktima ang huli na ayaw magpaawat sa pakikipag-away sa kapatid sa Brgy. Saba-ngan, Caramoran, Ca-tan­duanes kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Pandan District Hospital ang biktimang si Johnny Dela Cruz, may-asawa habang arestado ang tatay nito na si Rogelio, pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-12:40 ng madaling-araw, nagising ang tatay sa ingay ng mga anak na sina Johnny at Isaw na parehong lasing at nag-aaway.

Dahil dito, agad na bumangon ang tatay at sinaway ang magkapatid na nag-aaway.

Gayunman, sa hindi malamang dahilan ay sinugod ni Johnny ang ama at sinakal pero nang makahulagpos ang matanda ay kumuha ng itak at pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang nasabing anak.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with