^

Probinsiya

Chainsaw murder: Mister hinati ang katawan ng tiyo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Chainsaw murder: Mister hinati ang katawan ng tiyo
Naliligo sa dugo at hati ang katawan nang matagpuan ang biktima na si Eduardo Rosquites, isang construction worker habang ang kanyang mga kamay at leeg ay nagkagutay-gutay din sa insidente.
File

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sina­pit na kamatayan ng isang 30-anyos na mister makaraang hatiin ang katawan nito ng matalim na chainsaw ng sariling tiyuhin sa Brgy. Bool East, Culaba, Biliran kamakalawa.

Naliligo sa dugo at hati ang katawan nang matagpuan ang biktima na si Eduardo Rosquites, isang construction worker habang ang kanyang mga kamay at leeg ay nagkagutay-gutay din sa insidente.

 Nahaharap naman sa kasong murder ang suspek na si Roger Paje, 48-an­yos at chainsaw operator.

Sa report ni Police Lt. Isidoro Ancero Jr., hepe ng Culaba Police, bago ang insidente dakong alas-8 ng umaga nitong Agosto 25 ay nag-inuman ang magtiyuhin at ang testigong si Edgardo Cañete, isa ring obrero sa tahanan ng suspek sa nasabing lugar.

Ayon kay Cañete, nakatulog umano sila sa sementadong sahig ng bahay ng suspek matapos mag-inuman. Gayunman, pasado ala-1 ng hapon ay nagising siya sa malakas na ingay ng makina ng chainsaw at nang idilat ang mga mata nito ay kitang-kita niya na hinahati ng suspek ang katawan ng lasing at natutulog na pamangkin gamit ang chainsaw na pamutol ng punongkahoy.

Dahil sa matinding takot, mabilis na tumalon ang testigo sa bintana para sa kanyang kaligtasan at iniwan ang biktima na brutal na pinaslang.

Nabatid pa sa survivor na nanlilisik umano ang mata ng suspek at tila sinapian ng diyablo nang mangyari ang insidente.

Sa presinto, sinabi ng suspek na nawala umano siya sa kanyang sarili kaya nagawa ang krimen, ilang oras matapos siyang sumuko sa pulisya.

Ayon pa sa suspek, akala umano niya ay na­naginip lamang siya at puno ng niyog ang kanyang pinuputol.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with