Motorista bulagta sa pulis-Maynila sa road rage
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang driver matapos siyang barilin sa ulo ng isang lasing na pulis-Maynila makaraang magkainitan dahil sa away-kalsada sa Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Ferdinand Sanchez, 40-an­yos, ng B2 L16, Woodstar Bend St.  Rosewood Village, Brgy. Niog 2, Bacoor City habang ang suspek ay natukoy na si P/Senior Master Sgt. Herbert Salazar, nakatalaga sa Jose Abad Santos Police Station 7 ng Manila Police District.

Ayon kay Cavite Police Director Col. William Segun, dakong ala-1:50 ng mada­ling-araw nang maganap ang insidente sa Brgy. Niog 2 matapos na sitahin ni Sanchez ang lasing na si Salazar na noon ay nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa kalsada.

Sinabi pa ni Segun na bumaba ang biktima mula sa kanyang minamanehong sasakyan at kinompronta ang pulis at mga kasama dahil sa pagharang sa daraanan dahilan para umabot sila sa mainitang pagtatalo at mauwi sa suntukan.

Mabilis na tumakbo ang biktima upang makaiwas sa lasing na pulis papasok ng kanyang bahay subalit hinabol pa rin siya at saka binaril nang malapitan sa noo dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Sa follow-up operation, naaresto ng Bacoor City Police Mobile Patrol Unit ang suspek na nakapiit ngayon sa city police station detention cell at inihahanda ang kasong murder laban sa kanya. Cristina Timbang

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with