Pinagtulungang iahon ng mga rescuers ang mga pasahero ng dalawang bangka na nagsalpukan sanhi ng pagkamatay ng apat na katao habang dalawa pa ang nawawala sa karagatan ng Sultan Kudarat, Maguindanao noong Sabado ng gabi.
Rhoderick Beñez
2 bangka nagsalpukan: 4 patay!
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat ang patay habang dalawa pa ang nawawala matapos magbanggaan ang dalawang bangka noong Sabado ng gabi sa Rio Grande de Mindanao, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jomar Akir, Jowaina Saling, Ustadz Elmie Norodin at ang driver ng isang bangka na si Pudi Giadel.

Ang mga bangkay nina Akir, Saling at Norodin ay natagpuan sa Lugay-lugay, Cotabato City kahapon ng umaga habang ang katawan ni Giadel ay nakitang lulutang-lutang sa baybayin ng Barangay Bucana sa Cotabato City.

Samantala, patuloy na pinaghahanap ng search and rescue team ang mga nawawalang sina Sidik Esmael at Pude Guiarel, pawang taga-Brgy. Katidtuan sa nasabing bayan.

Ayon kay Sultan Kudarat Municipal Administrator Sultan Banjoe Mampun, galing umano ang isang bangka sa lungsod lulan ang 10 katao at pagsapit nila sa Brgy. Bulibod ay aksidenteng nakabanggaan ang kasalubong na bangka sakay ang tatlo katao na sina Tato Sultan, Pasita Akir at Kura Akir na kapwa nakaligtas, bago mag-alas-9:00 ng gabi. Rhoderick Beñez

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with