Jesuit volunteer kinatay ng ‘Akyat-Bahay’
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 26, 2019 - 12:00am

1 pa grabe, suspek timbog

MANILA, Philippines — Patay ang isang babaeng Jesuit volunteer habang isa pang kasama ang malubhang nasugatan matapos silang pasukin at pagnakawan ng isang notoryus na “akyat-bahay” sa loob ng tinutuluyang boarding house sa Pangantucan, Bukidnon kamakalawa.

Namatay habang ginagamot sa Pangantucan Doctors Hospital sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Genifer “Gen” Buckley, 24-anyos habang ginagamot sa nasabi ring ospital si Ann Kathleen Gatdula, 30, na nagtamo ng sugat sa katawan.

Si Buckley at Gatdula ay kapwa volunteer teacher sa Pa­ngan­tucan Community High School at mula sa Jesuit Volunteers Philippines.

Nakilala naman ni Gatdula na nakaligtas sa krimen ang suspek na si Arnold Naquilla, 36-anyos.

Ayon kay P/Major Jerry Paronia, acting chief of police ng Pangantucan, dakong alas-2 ng hapon noong Biyernes nang pasukin ni Naquilla ang cottage ng mga biktima sa Kinilayan Village, Brgy. Poblacion para pagnakawan. Maaga umanong umuwi ang dalawang biktima buhat sa eskuwelahan at naaktuhan nila ang suspek na nasa loob ng kanilang tinutuluyan. Dahil dito, kaagad umanong pinagsasaksak ng suspek ang dalawa subalit sa kabila ng saksak sa tiyan ay nakalabas pa rin ng bahay si Gatdula at humingi ng tulong.

Tumakas ang suspek subalit nakapagbigay na si Gatdula sa mga pulis ng description sa itsura nito na nadiskubreng notoryus na magnanakaw na sangkot sa serye ng robbery incidents sa lugar. Naaresto si Naquilla sa loob ng kanilang bahay sa follow-up operation ng pulisya kamakalawa ng umaga.

AKYAT-BAHAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with