2 trike driver con holdaper tiklo
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - August 26, 2019 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Timbog ang dalawang tricycle driver matapos umano nilang holdapin ang kanilang pasahero sa lungsod ng Tuguegarao City, Cagayan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Tuguegarao City Police ang nahuling mga suspek na sina Emilliano Bassig, 24, ng Brgy. Annafunan East at Domingo Zalun, 32, ng Brgy. Linao West sa nasabing lungsod.

Dakong alas-8:00 ng gabi nang sumakay ang biktimang si Shane Guzman, 25, isang event coordinator ng Brgy. Caritan Norte sa tricycle na minamaneho ni Bassig sa Alimanao-Caggay papuntang Caritan Norte. Subalit pagsapit sa Macapagal Road ay isinakay ang isa pang suspek na si Zalun at agad na tinabihan ang biktima sa loob ng tricycle kasunod ng paglalabas ng isang kutsilyo at nagdeklara ng holdap. Kinuha ng mga suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng P24,000 at cellphone saka siya itinulak palabas sa tricycle bago sumibat.

Mabilis namang natandaan ng biktima ang body number ng tricycle sanhi para matunton ng pulisya sa ginawang follow-up investigation sa tulong ng Tricycle Regulatory Unit (TRU) ng Tuguegarao.

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with