Engkwentro: NPA dedo, 7 sugatan
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - August 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumulagta ang isang kasapi ng New People’s Army (NPA) habang pitong kasama nito ang sugatan na kasalukuyang nasa kustodya ng militar sa dalawang magkasunod na engkuwentro sa Brgy. Bagacay at Cogon, Ozamiz City, Misamis Occidental kahapon ng umaga. Base sa report ng 10th Infantry Battalion, alas-5:50 ng umaga nang maganap ang unang engkuwentro sa Brgy. Bagacay matapos isinumbong ng mga residente sa militar ang presensya ng mga armadong lalaki sa kanilang bayan. Inabot ng 10 minuto ang sagupaan na ikinasawi ng isang rebelde. Sinundan pa ito ng sagupaan sa Brgy. Cogon kung saan isang NPA at dalawang sundalo ang sugatan. Naaresto ang pitong sugatang rebelde matapos silang maharang ng tropa ng 2nd PNP Mobile Force Company. Sinabi ni Lt. Col. Ray Tiongson, 10th-IB commander, nakumpiska nila sa dalawang operasyon ang isang M16 rifle, apat na caliber .45 pistol, pitong hand grenade, tatlong motorcycle improvised explosive components at mga pagkain.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with