700 biktima ng lindol, muling inilikas sa bagyo
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela – Nasa 700 katao mula sa 288 na pamilya sa Itbayat, Batanes ang muling inilikas sa mas ligtas na lugar dahil sa bagyong Ineng, ayon sa ulat kahapon. 

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) ng Cagayan Valley (Region 2), karamihan sa mga pamilyang apek­tado ay ang mga nawasak ang mga tahanan matapos ang magkasunod na lindol noong Hulyo 27 ng madaling araw na tumama sa nasabing isla.

Ayon kay Dante Balao, regional director ng OCD-RO2, simula nang mawasak ang mga bahay ng mga residente sa isla ay nanirahan na sila pansamantala sa mga tents na ipinatayo ng provincial government ng Batanes habang isinasailalim sa rehabilitasyon ang kanilang lugar. Subalit hindi pa man nakakabangon sa kalamidad dahil sa lindol kung saan nararanasan pa ang ilang maliliit na pagyanig ay muli silang inilikas dahil naman sa bagyo.

Nananawagan ang mga apektadong pamilya ng karagdagang tulong tulad ng mga construction mate­rials para sa pagpapatayo ng kanilang mga nasirang bahay at kabuhayan. Nasa 288 toilet bowls ang kakailanganin umano ng mga pamilya para sa nasabing rehabilitasyon.

Iniutos ni Governor Ma­rilou Cayco ang mas maagang paglilikas at pagha­handa para maiwasan ang anumang pinsala dulot ng bagyong Ineng na signal number 2 sa Batanes.

LINDOL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with