Call center agent na dadalo sa hearing, itinumba!
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na nakadalo sa pagdinig sa korte sa kasong may kinalaman sa away sa lupa ang isang babaeng call center agent matapos na pabulagtain ng riding-in-tandem habang naghihintay ng masasakyang tricycle sa Purok Gemilina, Brgy. San Miguel Odaca, Digos City, Davao del Sur, Biyernes ng umaga.

 Kinilala ang biktima na si Estrella Baisak Camallere, 50-anyos at call center agent ng IBEX sa Lanang, Davao City.

Sa pagsisiyasat nina P/Senior Master Sgt. Reagan Patricio at P/Staff Sgt. Joel Ong ng Digos City Police, alas-8:10 ng umaga pasakay ng tricycle ang biktima at papunta sa Camallere sa Regional Trial Court Branch 18 ng Digos City para dumalo sa pagdinig nang biglang dumating ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo saka siya binaril sa ulo.

Tinamaan sa tenga ang biktima sanhi ng agaran nitong kamatayan habang mabilis na tumakas ang mga suspek. Narekober sa crime scene ang bala ng kalibre .45 na pistola na ginamit sa krimen.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with