Bading grinipuhan sa motel
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakahandusay at naliligo sa sariling dugo ang isang bading nang matagpuan makaraang pagsasaksakin ng umano’y mismong kasama nitong pumasok sa loob ng isang motel sa Zamboanga City, iniulat kahapon. Kinilala ang biktimang si Benjamin Cerna, 52, ng Brgy.

Tumaga, Zamboanga City. Batay sa paunang imbes­tigasyon, Huwebes ng gabi nang pumasok si Cerna at ‘di kilalang kasamang lalaki sa loob ng motel ngunit natapos ang kanilang oras ay hindi pa rin sila lumalabas ng kanilang silid.

Nagtaka ang mga room attendant kaya sapilitang kinatok ang kanilang kuwarto para alamin kung muli pa silang mage-extend ng oras.

Subalit walang sumasagot sa loob ng silid, dahilan para sapilitan na nilang buksan ito at dito na bumulaga sa kanilang harapan ang bangkay ng biktima na tadtad ng saksak at wala na rin ang lalaking kasama nitong pumasok.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with