2 ‘tulak’ todas sa shootout
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang notoryus na drug pusher ang nasawi makaraang makasagupa ang mga elemento ng pulisya sa magkakahiwalay na buy-bust operation na nauwi sa shootout sa Meycauayan City at San Francisco del Monte, Bulacan kamakalawa.

 Sa ulat ni Bulacan Provincial Police Offie (PPO) Director Police Colonel Chito Bersaluna, kinilala ang mga napatay na sina Ronnie Bernardino alyas “Ron”, ng Brgy. Bancal, Meycauayan City at isang alyas “Gerald” ng San Francisco del Monte.

 Bandang ala-1:05 ng madaling araw nang mapatay sa shootout si alyas Ron sa buy-bust ng Meycauyan City Police sa ilalim ng superbisyon ni P/Lt. Col. Aquino Olivar laban sa target na drug pusher. Narekober dito ang isang cal. 38 revolver, apat na bala, tatlong cartridge ng cal. 9mm, walong plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Sinabi naman ni P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., hepe ng San Francisco del Monte Police na alas-7 ng gabi nang makipag-deal ang mga pulis sa mga suspek na sina Dante Malate, Kevin John Dimal, 23 at alyas Gerald. Nakatunog umano si alyas Gerald kaya nagpaputok na nauwi sa shootout na kanyang ikinabulagta at nagawang makatakas ang dalawang kasama nito. Narekober dito ang walong sachet ng shabu, isang improvised shotgun, cartridge ng 12 gauge shotgun at tatlong cal. 22 TCM cartridge.

SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with