3 katao na dinukot, ibinaon ng NPA
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Narekober na ang tatlo katao kabilang ang isang sundalo at retiradong pulis na dinukot ng New People’s Army (NPA) pero pawang nakabaon na sa lupa ang kanilang bangkay na nahukay ng militar sa Brgy. Digongan, Kitaotao, Bukidnon kamakalawa.

Kinilala ang mga bangkay na sina Sgt. Reynante Havana España, 42, nakatira sa San Francisco, Agusan del Sur, at nakadestino bilang sundalo sa Surigao del Sur; Joel Rey Galendez, 43-anyos, isang retiradong pulis ng Bunawan Agusan del Sur at Dionisio Camarillo Havana, 37, ng Sto. Nino, Carmen, Davao del Norte.

Sa ulat sa 10th Infantry Division ng Philippine Army, sa tulong ng mga miyembro ng Komiting Rebolusyonaryo sa Municipalidad na kumalas sa NPA, nadiskubre ang pinagbaunan ng mga bangkay ng tatlo.

Nabatid na hanggang noong Hulyo ay nakapagbigay pa ng pera ang pamilya ng tatlong biktima sa NPA sa pag-aakalang buhay pa ang mga ito. 

Ang mga biktima kasama ang isang menor-de-edad ay sakay ng isang behikulo mula sa Cagayan de Oro City noong Agosto 22, 2017 nang harangin at kidnapin ng mga rebelde sa Sitio Nabunturan, Brgy. Digonga, Kitaotao.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with