^

Probinsiya

African stude inaresto sa rape

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

ANGELES, Philippines — Isang estudyanteng African national ang inaresto habang isa pang kasama nito ang tinutugis matapos silang ireklamo ng panggagahasa ng isang 20-anyos na dalaga na kanilang niyaya sa inuman sa Hadrian II Street, Mt. View, Barangay Balibago, sa lungsod noong Huwebes ng madaling araw.

Sa report sa tanggapan ni Police Station 4 Commander P/Maj. Dickson Tolentino, kinilala ang nadakip na suspek na si Daniel Sumbo, 29, binata at pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar habang nakatakas ang isa pang suspek na kinilala lamang sa alias “Cope”.

Ang dalawa ay inireklamo ng isang jobless na dalaga ng Brgy. Capaya II.

Sa ulat, pasado alas-2:00 ng madaling araw, niyaya ni Sumbo ang biktima na uminom sa kanyang tinutuluyan. Nang malasing ng alak ang biktima, dito na sinamantala ng mga suspek upang isagawa ang makamundong pagnanasa.

Matapos ang pangyayari, nakatakas at nakauwi sa kanilang bahay ang biktima hanggang sa magsumbong sa kanyang ina.

Humingi sila ng tulong kay Kagawad William Me­neses kung kaya agad nagsagawa ng manhunt ope­ration dahilan upang madakip ang suspek na dinala sa Police Station 4.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with