Pickup bumaliktad: 14 sugatan
TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Sugatan ang 14 miyembro ng pamilyang makikipaglamay sa burol ng yumaong kaanak matapos bumaligtad ang sinasakyan nilang pickup truck sa bulubunduking kalsada ng Brgy. Dipilat, Vintar, Ilocos Norte kamakalawa. Sinabi ni Major Joseph Baltazar, hepe ng Vintar Police Station na bukod sa mga sakay na matatanda at bata ay dala rin ng pickup na minamaneho ni John Lester Calzada, 24, ang mga pinamiling groserya at kape nang mawalan ito ng preno dakong alas-12:30 ng hapon at sumalpok sa gilid ng bundok saka ito bumaligtad.
Tumilapon sa ere at nagpagulong-gulong ang mga sakay ng pickup na nagtamo ng mga bali at bukol at isinugod sa ospital. Nasa kustodya na ng pulisya si Calzado na napag-alamang walang driver’s license nang maganap ang aksidente.
- Latest