CEO sangkot sa P400 milyon investment scam, dinedo
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Natagpuang nakagapos ang mga kamay at paa, nakabalot ng shorts ang ulo, at tadtad ng tama ng bala sa ulo at dibdib ang isang chief executive officer (CEO) ng isang investment firm na wanted sa batas dahil sa pagkakasangkot nito sa P400-million investment scam sa Brgy. Cansomoroy, Balamban, Cebu, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Armando Bernaldez Oppus, 34, ng Doña Vicenta , Davao City, CEO ng Crowd Royals Real State Services na nakabase sa Davao City, Davao del Sur.

Sa ulat ng Cebu Police, bandang alas-9:40 ng gabi nang matagpuan ang biktima na itinapon ang bangkay sa kahabaan ng Cebu Transcentral Highway sa Sitio Buli, sa naturang lugar.

Natukoy lamang ang pagkakakilanlan sa biktima sa pamamagitan ng kanyang passport na nakuha sa isang kulay puting sports utility vehicle na sinunog ng mga salarin saka itinapon sa isang bangin sa Brgy. Sunog sa Balamban.

Nabatid na si Oppus at dalawa pang kasamahan nitong opisyal ng Crowd Royals na sina Edmon Quinones, Finance at Judy Ann Delatina-Estrella ay wanted sa tinangay ng mga ito na P400-milyon mula sa mga investors.

Narekober din sa crime scene ang mga bala ng kalibre .45 pistol at limang kilometro naman mula sa kinatagpuan ng bangkay nito ay nakuha ang Isuzu Mux na sinunog ng mga salarin.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa investment scam ang motibo ng krimen habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.  Rhoderick Beñez

 

 

INVESTMENT SCAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with