Tserman patay, 3 malubha sa ambush
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines –Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang kapitan ng barangay habang suga­tan ang isa nitong kagawad at kasamang mag-ina matapos rapiduhin ng bala ang sinasakyan nilang van ng ‘di pa natutukoy na mga salarin sa Brgy. Bagabag, Sto. Tomas, Isabela noong Miyerkukes.

Sinabi ni Police Captain Mariano Manalo, hepe ng Sta. Maria PNP na katabi sa harapan ng sasakyan ng drayber na si Kagawad Glenn Padre si Chairman Manuel Ramento, 40, nang ratratin sila ng mga pinaniniwalaang bayarang berdugo habang nasa biyahe pauwi sa Brgy. Bugbog dakong alas-11:30 ng gabi.

Sugatan naman ang mag-inang sakay din ng van na sina Noeimi Gumtang,   26 at anak niyang 6-anyos na si Althea.

Isinugod ang mga biktima sa Milagros District Hospital sa kalapit bayan ng Cabagan subalit idineklarang patay si Ramento habang inilipat sa Cagayan Valley Medical Center si Padre.

Narekober sa lugar ng krimen ang 32 basyo na bala ng M-16 armalite.

Inaalam pa sa imbestigasyon kung may kinalaman ang krimen sa illegal logging na sinisita ng kapitan sa kanyang lugar. Joy Cantos

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with