Rider, pedestrian tigok sa road crash
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Dalawa ang patay kabilang ang isang motorcylce rider at ang sinalpok nitong pedestrian sa Purok Ilang-Ilang, Brgy. Saravie, Koronadal City, nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ng Koronadal City-PNP ang nasawing driver ng motorsiklo na si Datu Omar Sambuto, 64 taong gulang habang ang sinalpok nitong pedestrian ay si Rolando Bungan, 72, ng Brgy. Saravia, Koronadal.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis, dakong alas-3:00 ng hapon habang pauwi na sa kanilang tahanan ang biktimang si Bungan nang banggain ng motorsiklong minamaneho ni Sambuto.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ng motorsiklo, ang driver na si Sambuto at pedestrian na si Bungan ay pawang nagtamo ng matinding mga sugat sa ulo kung saan hindi na umabot pang buhay sa pagamutan matapos isugod ng mga sumaklolo.

RIDER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with