5 sekyu inagawan ng armas ng NPA, pinaiimbestigahan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang isang security agency ng isang pribadong kumpanya matapos na maagawan ng armas ang limang security guard ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Bali­ngasag, Misamis Oriental.

Sinabi ni Albayalde na ang mga blue guards ng AY76 Security Agency ng power producer Minergey Power Corporation sa Balingasag ay nasorpresa at hindi man lamang nagawang manlaban nang harangin ng mga armadong rebelde.

“I am taking to task the Acting Director of the Civil Security Group, Police Brig. Gen. Roberto Fajardo to ini­tiate an investigation into the disarming of private security guards by communist terro­rists yesterday morning at the Minergy Power Corporation in Balingasag, Misamis Oriental,” pahayag ni Albayalde.

Pinasisiyasat din ng PNP chief ang posibleng administrative at operational lapses  ng mga pribadong security provider ng mga pangunahing instalasyon ng gobyerno.

Ang mga rebelde ay su­malakay dakong alas-6:30 ng umaga sa power plant at quarry site matapos paputukan ng baril, harangin at dinisarmahan ang mga security guards na nag­roronda rito ng AK 47 assault rifles, sari-saring mga bala, transceiver sets at iba pang mga equipment.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with