2 TESDA studes dedo sa motor crash
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - August 21, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines –Dalawang estudyante ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) ang patay matapos salpukin ng kanilang motorsiklo ang concrete barrier ng tulay sa Barangay Magsaysay, Naguilian, Isabela noong Lunes.

Kinilala ni P/Captain Maryrose Sibbaluca ng Naguilian Police ang mga nasawi na sina Malbert Balimbin, 26-anyos at Vicente Esmela, 21, kapwa nag-aaral sa TESDA-Ilagan City, Isabela. Ayon kay Sibbaluca, kapwa lango sa alak ang dalawa matapos na manggaling sa isang inuman sa kapistahan ng Barangay Minallo nang pinaharurot ni Balimbin ang dalang motorsiklo habang angkas si Esmela.

Pabalik na sila sa kanilang paaralan nang sumalpok ang motorsiklo sa konkretong harang sa tulay pagsapit sa nasabing lugar dakong alas-2:50 ng hapon. Kapwa dead-on-the-spot ang mga biktima sa insidente. 

 

TESDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with