Koreano, 4 pa tiklo sa buy-bust
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - August 21, 2019 - 12:00am

ANGELES CITY, Philippines –Lima katao kabilang ang isang Korean national na nagmamay-ari umano ng malaking gusali sa Korea ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region III sa isinagawang buy-bust operation sa hinihinalang drug den sa Timog Park Subdivision, Brgy. Pampang ng lungsod na ito, Martes ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Suh Jun Hong, 44-anyos, tubong Daeju City, South Korea, live-in partner nitong Pinay na si Maria Ramos, 31; at iba pang kasamahan na sina Reynon Rodriguez 36; Michael Balberan, 40, umano’y kawani ng DSWD dahil sa nakuhang identification card nito at Patrick Nepomuceno, 28.

Nasamsam sa mga suspek ang limang plastic sachet na naglalaman ng ecstacy pills na nasa P300,000.00 ang halaga, 15 gramo ng hinihinalang shabu at dalawang plastic sachet ng high grade marijuana, mga drug paraphernalia, isang kulay pulang SUV na Mitsubishi Adventure (VDU-506) at marked money.

Napag-alaman na halos walong taon na sa bansa si Hong na nagmamay-ari ng limang palapag na gusali na nirerentahan sa South Korea na ang kinikita ay ipinadadala umano sa kanya rito sa Pilipinas.

 

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with