Salpukan ng 2 pickup: 2 dedo, 3 grabe
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawa katao ang nasawi habang tatlo ang malubhang nasugatan kabilang na ang isang pulis nang magsalpukan ang dalawang pickup sa Brgy. Taggat Sur, Claveria, lalawigang ito kahapon ng madaling-araw.
Sa report, nawala sa kanyang linya at sinalpok ni Ramon Basilio, 44, ang sasakyan ni P/Master Sgt. Joemel Alejandro, 43, ng Gonzaga Police Station, sa bahaging zigzag ng highway pasado ala-1:00 ng madaling-araw.
Isinugod ng mga sumaklolo sa Northern Cagayan District Hospital sina Basilio at pasahero nitong sina Joselito Unida, 24, at Marvin Andrade 30; at sina MSgt. Alejandro at kasamang si Jessa Pasion, 24, tubong Barangay San Antonio, Ilagan City, Isabela. Sa kasawiang-palad ay idineklarang patay sa ospital sina Basilio at Unida.
- Latest