Sinabi ni Major Bard Ceaser Mazo, spokesman ng 8th Infantry Division ng Philippine Army, dakong ala-1:30 ng hapon habang tini­tingnan umano ng biktima ang kanyang fishing net sa dagat kasama ang kanyang misis at biyenan nang bigla na lamang dumating ang tatlong armadong lalaki at pinaulanan sila ng bala.
File
Tserman sa Leyte itinumba
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang kapitan ng barangay ang pinatay ng mga hinihinalang mi­yembro ng New People’s Army (NPA) sa harap mismo ng kanyang asawa at biyenan habang nangingisda sa karagatan ng Hilingos sa Leyte kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Virgilio Loquas, kapitan ng Barangay Sto. Niño, nasabing bayan.

Sinabi ni Major Bard Ceaser Mazo, spokesman ng 8th Infantry Division ng Philippine Army, dakong ala-1:30 ng hapon habang tini­tingnan umano ng biktima ang kanyang fishing net sa dagat kasama ang kanyang misis at biyenan nang bigla na lamang dumating ang tatlong armadong lalaki at pinaulanan sila ng bala. Isinigaw pa umano ng mga suspek na ang biktima ang dahilan kaya ni-raid ng mga otoridad ang kanilang NPA headquarters, bago sila tumakas. Hindi naman nahagip ng bala ang asawa at biyenan ni Loquas na kapwa natulala sa insidente.

Mariing kinondena ni Maj. Gen. Pio Q Dinoso III, commander ng 8th-ID ang nasabing pagpatay at sinabing malinaw itong paglabag sa karapatang pantao.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with