Ex-chairman na sumuko sa Oplan Tokhang nilikida
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta sa tabi ng kalsada ang isang dating barangay captain na dati nang sumuko sa “Oplan Tokhang” matapos na pagbabarilin ng mga suspek lulan ng isang van sa kahabaan ng provincial road sa Purok-3, Brgy. Banao, Guinobatan, lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot dahil sa mga tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Rolando Villa Mijares, drug surrenderee, dating tserman ng Brgy. Bubulusan.

Sa ulat, alas-4 ng hapon, lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima mula sa Brgy. Banao patungo sanang Brgy. Inascan nang sundan ng isang Toyota Hi-Ace van lulan ang hindi nakilalang mga suspek.

Gayunman, pagdating sa may bahagi ng inaayos na kalsada, ginitgit ang motorsiklo ng biktima ng van dahilan para matumba ito sa kalsada at bago pa nakatayo ay agad siyang pinagbabaril ng mga suspek.

Matapos na masigurong patay na ang biktima, tumakas ang mga gunmen patungo sa direksyon ng Brgy. Inascan.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with