Guro tinodas sa trike
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang guro matapos na barilin ng hindi pa nakikilang suspek habang nasa loob ng tricycle sa AMLO, Barangay Zone III, Sta. Cruz, Davao del Sur kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Felipe Capisos Niemis Jr., 52, isang Senior High School (SHS) teacher at naninirahan sa Brgy. Zone 2, Digos City. Base sa report, sakay ang biktima ng isang tricycle nang bigla siyang lapitan ng isang suspek at binaril. Sinabi ng tricycle driver na si Marvin Jamunan na magpapahatid sana sa kanya si Niemes papuntang Sta. Cruz Integrated Bus Terminal nang mangyari ang hindi inaasahang krimen, alas-4:40 ng hapon.  Inakala ng driver na sumabog lamang ang gulong ng kanyang tricycle ngunit nang lingunin niya ang guro ay puno na ng dugo at wala nang buhay. Nakuha sa crime scene ang isang basyo ng bala ng .45 kalibre na armas.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with