^

Probinsiya

Shootout sa sabungan: 4 utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat katao kabilang ang isang dating Cafgu at dalawang pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasawi matapos ang matinding barilan sa loob ng isang cockpit arena sa Sulat, Eastern Samar noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga na­sawing biktima na sina Juancho Basad, isang dating miyembro ng Cafgu Active Auxiliary (CAA), kasama nitong sibilyan na si Winifredo Guballo; kapwa residente sa lugar habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa pa na hinihinalang miyembro ng hit squad ng NPA.

Sa ulat ng tanggapan ni Eastern Visayas Police Director Police Brig. Gen. Dionardo Carlos, alas-3 ng hapon habang nasa loob ng sabungan sa Brgy. Baybay sina Basad at Guballo nang biglang lapitan ng dalawang hitmen ng NPA at pinutukan ang target na dating Cafgu na gumanti rin ng putok.

Dahil dito, nagpanik ang mga tao sa loob ng sabungan hanggang sa  nagpanakbuhan palabas sa matinding takot. Nagawang putukan at mapatay ni Basad ang isa sa mga rebelde bago pa man siya tuluyang napuruhan at tumimbuwang at nadamay ang kasama nitong si Gu­ballo. Napatay naman ang isa pang rebelde ng nagrespondeng mga pulis.

Narekober sa pinangyarihan ng barilan ang mga basyo ng bala ng mga armas na ginamit ng NPA rebels at ng nasabing Cafgu.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with