^

Probinsiya

Trak swak sa bangin: 3 dedo, 12 sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

Galing sa pamamanhikan

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang nasawi habang 12 pa ang nasugatan matapos na aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang Mazda Mini Canter na nanggaling sa pamamanhikan sa Sitio Iliran, Brgy. Codcod, San Carlos, Negros Occidental, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Haydee Lobrido, 55-anyos; Genalyn Trapiano, 37, at Maricel Lobrido, 40, pawang dead-on-arrival sa San Carlos City Hospital.

 Ang mga sugatan ay nakilalang sina Jerry Lobrido, 47; Jonel Lobrido, 50; Ma. Fe Lobrido, 54; Jona Mae Lobrido, 15; Precila Amaca, 53; Garry Trapiano, 42; Jerry Mae Lobrido, 13; John Mark Lobrido, 14 at Meljohn Balbuena, 21 at tatlong iba pa na inaalam pa ang pangalan.

Ayon kay Traffic investigator P/Master Sgt. Joniber Sapanta, pauwi na ang mga biktima matapos mamanhikan ang isang kaanak nang sila ay maaksidente dakong alas-4:40 ng hapon pagsapit sa nasabing lugar. Nasa 15 pasahero ng truck ang nasugatan kung saan anim ang na-admit sa ospital at tatlo rito ang patay. Sinasabing nawalan umano ng kontrol ang drayber ng truck na si Romando Amaca matapos na ‘di kumagat ang preno nito sa kurbada at pababang bahagi ng kalsada kaya nahulog ito sa bangin.

Samantala, ligtas at masuwerteng ‘di nakasama sa truck ang groom-to-be na si Weljun Balbuena matapos na magpaiwan siya sa bahay ng kanyang bride-to-be o mapapangasawa. Joy Cantos

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with