^

Probinsiya

May-ari ng punerarya kinatay ng dating tauhan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang 80-anyos na lolo na may-ari ng isang punerarya matapos siyang pasukin at pagsasaksakin ng kanyang dating tauhan na kanyang sinibak sa trabaho sa loob ng kanyang silid sa Purok 5, Brgy. Balindog, Kidapawan City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Kidapawan City Police, nakilala ang biktima na si Carlos Collado Sr., habang ang suspek ay si Ritchie Cajucom Alpuerto na dating trabahador ng biktima.

Ayon kay City PNP Chief Ramel Hojilla, patay na nang matagpuan pasado alas-12:00 ng madaling araw si Collado matapos na magtamo ng walong tama ng saksak ng kitchen knife sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sinasabing dating nagtatrabaho sa biktima ang suspek at pinaalis lamang nito dahil ninakawan ang matanda.

Nabatid na lango sa nakakalasing na inumin ang suspek nang isagawa nito ang krimen.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya matapos na may nakakita sa suspek na naaresto sa likurang bahagi lamang ng bahay ng nasawing biktima.

 

vuukle comment

TAUHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with