^

Probinsiya

Airport employee natagpuang patay

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Halos hindi na makilala at unti-unti nang naaagnas ang ka­tawan ng isang em­pleyado ng airport nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay sa Brgy.Gahak, bayan ng Kawit, dito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Lucilo Caminero, 41-anyos, binata at residente ng  B4, L8, Sunset Meadow Subd., Brgy. Gahak, nasabing bayan.

Sa ulat ng Kawit Police, alas-6:15 ng gabi nang madiskubre ang wala nang buhay na biktima matapos na umali­ngasaw ang mabahong amoy na nagmumula sa kanyang bahay.

Sa pahayag ni Sophia De Veyra, 48-an­yos, kapitbahay ng biktima at Julius Arias, chief tanod, alas-6:00 ng gabi nang makalanghap sila ng masangsang na hangin sa kanilang lugar. Hinanap nila ang pinagmumulan ng nakasusulasok na amoy hanggang sa matunton nila na nagmumula ito sa bahay ng biktima.

Agad nilang tiningnan ang loob ng bahay at tumambad ang nakahandusay na biktima na naka-brief lamang at nagsisimula nang maagnas.

Nakita ng mga awtoridad na ang door knob ng pintuan ng bahay ng biktima ay may nakapasok na susi at may natagpuan din silang isang kulay yellow green na mug na ‘di kalayuan sa biktima.

May mga nakuha ring fingerprint sa harapan ng bintana at iba pang bahagi ng bahay ng biktima na posibleng may nakapasok dito.

Isinailalim na sa autopsy ang bangkay ng biktima upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.

 

vuukle comment

AIRPORT EMPLOYEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with