^

Probinsiya

Unang ruta ng PUV modernization umarangkada na sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumiyahe na ang unang 16 na bagong dyip sa ilalim ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization ng pamahalaan na may rutang Sampol Bulac (San Jose del Monte City)-Santa Maria-Meycauayan.

Sa ginanap na Modern PUV Caravan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa SM City Marilao, sinabi ni Jesus Sison, pinuno ng enforcement ng LTFRB na ito ang kauna-unahang ruta ng dyip sa Bulacan na isinailalim sa PUV Modernization.

Base sa sistema ng PUV Modernization ng LTFRB, ang mga lumang dyip na may edad na lagpas sa 15 taon ay hindi na papayagang bumiyahe sa mga lansangan bilang pampublikong sasakyan. Kinakailangang palitan ito ng mga units na brand new ang lahat ng configuration, batay sa itinakdang Philippine National Standard (PNS), gaya ng makina na pinatatakbo ng krudong Euro 4.

May halagang P1.5 bilyon ang inilaan ng Landbank of the Philippines para sa PUV Modernization ng LTFRB kung saan magpapahiram ng pera ang bangko para makabili ng mga bagong units ng dyip. Wala itong interes at uubrang mabayaran hanggang pitong taon. Bukod dito, mayroon pang P80,000 na sabsidiya ang pamahalaan sa bawat isang tsuper upang maging maluwag ang pagbabayad sa amortisasyon.

Ang minimum na pamasahe sa bagong PUV ay P11.00 dahil fully airconditioned ito.

vuukle comment

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with