^

Probinsiya

Mag-utol magkasunod na sinalvage

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang lalaki na magkapatid ang magkasunod na pinatay sa pinaniniwalaang kaso ng “salvaging” sa  Brgy. Maynganay Norte,  Sta. Maria, Ilocos Sur kahapon.

Sa report,  unang natagpuan ng mga residente ang agaw-buhay na si Johaness Taguibao, 23, na puno ng tama ng bala sa isang bakanteng lote dakong ala-1:00 ng madaling-araw. Isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa Narvacan City ang biktima kung saan siya nalagutan ng hininga.

Natagpuan naman ang bangkay ng kapatid ni Taguibao na si John Glenn, 32, na bahagyang naili­bing sa isang hukay sa hindi kalayuang lugar.

Sinasabing marahil ay nagtangkang tumakas si Johaness ngunit pinagbabaril ng ‘di pa matukoy na killers matapos nilang ihulog sa hukay ang unang pinatay na kuya nito.

Bago ang insidente, napaulat na nawawala ang magkapatid noong Biyernes. Tinitingnan ng mga imbestigador kung may kinalaman ang krimen sa drug trade.

vuukle comment

SINALVAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with