^

Probinsiya

3 ‘tulak’ bulagta sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines — Tatlong hinihina­lang tulak ng droga ang napatay matapos umanong manlaban sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar dito, kamakalawa.

Ayon kay P/Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija Police provincial commander, nagsagawa ng buy-bust ope­rations ang mga kagawad ng Cabanatuan City at Bongabon Police at napatay ang mga suspek na sina Efren Roman, ng Brgy. Sta. Arcadia, Cabanatuan City; Michael Santiago alyas “Mac-Mac”, at Zaldy Urmatan alyas “Zenki”, kapwa residente ng Sapiandante St., Brgy. Quezon District, Cabanatuan City.

Sa Cabanatuan City, bandang alas-11:10  ng gabi noong Huwebes nang ikasa ang buy-bust  ng drug enforcement unit (DEU) sa Purok 2, Brgy. San Juan Acc­fa,  kung saan bumunot umano ng baril si Roman at ipinutok sa mga pulis na sumablay. Agad na gumanti ang mga awtoridad at napuruhan ng bala si Roman na agad nitong ikinamatay. Nakuha sa napaslang ang 10 plastic sachet ng umano’y shabu, isang homemade caliber .38 pistola at P500 buy-bust money.

Sa Bongabon, alas-11:30 ng gabi, isinagawa ang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Vega at natiyempuhan ang mga dayong suspek na sina Santiago at Urmatan na napatay din makaraang umano’y barilin ang mga pulis sanhi ng shootout at ikinabulagta ng dalawa.

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with