^

Probinsiya

Bagitong parak inutas ng police trainee!

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Nahuling kasiping ang misis na pulis

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang isang bagitong pulis habang malubhang nasugatan ang kanyang umano’y lover na policewoman matapos silang mahuli sa akto ng mister ng huli na isang police trainee habang umano’y magkasiping sa loob ng kuwarto sa Bangued, Abra kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Patrolman Jay Valdez Tabili na agad na nasawi sa insi­dente dahil sa tama ng punglo sa ulo habang ma­lubha ang tama sa dibdib ni Patrolwoman Jemalyn Langgoyan na kinakailangan pang ilipat ng pagamutan sa San Fernando City, La Union mula sa Bangued.

Ang suspek na si Joseph Langgoyan, mister ng lady cop at isang trainee sa Bangued Police Station ay dinakip ng mga nagrespondeng kasamahan nito hawak ang isang cal.45 baril.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong ala-1 ng madaling araw nang maganap ang insidente matapos na pagbabarilin ng police trainee ang kanyang misis at umano’y kalaguyo nitong kapwa pulis na si Tabili nang maaktuhang magkasama at naglalampungan ang dalawa sa inuupahang kuwarto ng huli kaya agad nitong binaril sa ulo.

Nabatid na sina Langgoyan at Tabili ay magkasamang nakatalaga sa Bucloc Police Station sa Abra.

Patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa insidente na itinuturing na “crime of passion. Joy Cantos

 

vuukle comment

POLICE TRAINEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with