Sinisiyasat ng SOCO ang mga bangkay nina Tomas Greycochia, 59, at 19-anyos na saleslady na si Cristina Gragasin matapos matagpuang kapwa patay at may tama ng bala sa sentido sa loob ng isang pickup truck na naka-park malapit sa isang motel sa Roxas, Isabela kahapon.
PNP Photo
Magdyowa natagpuang patay sa pickup
Raymund Catindig, Victor Martin, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2019 - 12:00am

‘Crime of passion’ sinisilip

MANILA, Philippines — Kapwa patay ang isang 59-anyos na negosyante at umano’y nobya ng 19-anyos na saleslady nang matagpuan sa loob ng isang nakaparadang pickup truck sa parking lot ng isang motel sa itinuturing na “crime of passion” sa Brgy. San Antonio, Roxas, Isabela kahapon ng umaga.

Ayon kay Police Major Arturo Cachero, officer-in-charge ng Roxas Police, bandang alas-7:45 ng umaga nang madiskubre ng mga kawani ng motel ang mga duguang bangkay sa loob ng isang Toyota pickup (AJA-1218) sa parking area ng Myx Miniotel sa lugar.

Sinabi ni Cachero na agad namang nagresponde ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) team ng Roxas Police at nakita ang tama ng bala sa kanang bahagi ng salaming bintana ng behikulo.

Sa isinagawang beripikasyon, nakilala ang dalawa na sina Tomas Greycochia, 59, biyudo, ng Brgy. Rizal, Roxas, Isabela at ang babaeng kasama nito ay si Cristina Gragasin, saleslady ng Brgy. Nueva Era, San Manuel, isabela.

Nakitaan ng tama ng bala sa kaliwang sentido ang babae at sa kanang sentido naman ang lalaki na may-ari ng isang footwear store.

“May nakuhang 2 basyo ng bala at isang cal. 9mm ang SOCO team sa loob ng vehicle,” ayon kay Cachero.

Ang baril na hinihinalang ginamit sa krimen ay sa drivers seat narekober ng mga awtoridad.

Sa beripikasyon sa Land Transportation Office (LTO), nadiskubre na ang behikulo ay nakarehistro sa isang Ryan Gutierrez ng Brgy. Eden, San Manuel, Isabela.

Sinabi ng opisyal na ang insidente ay itinuturing na isang “crime of passion” kung saan may posibilidad umanong nag-away ang magsing-irog at napatay ni Greycochia ang nobya bago nito binaril ang sarili sa hindi pa malamang dahilan.

‘CRIME OF PASSION’
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with