Sa ulat, sinabi ni Major John Arvin Encinas, spokesman ng AFP-Western Minda­nao Command, dakong alas-8:45, habang bumabagtas ang motorsiklo na sinasakyan ng dalawang sundalo na miyembro ng Special Forces Batta-lion (SFB) at isang CAFGU sa lugar nang paputukan ng mga teroristang ASG na kanilang agarang ikinasawi.
Miguel de Guzman
Sayyaf ambush sa Eid’l Adha: 4 utas
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang sundalo, isang CAFGU at isang 2-anyos na batang babae ang nasawi habang isa pa ang nasuga­tan makaraang paulanan ng bala ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa madugong ambush na itinaon sa selebrasyon ng Eid’l Adha sa Brgy. Kagay, Talipao, Sulu nitong Lunes.

Sa ulat, sinabi ni Major John Arvin Encinas, spokesman ng AFP-Western Minda­nao Command, dakong alas-8:45, habang bumabagtas ang motorsiklo na sinasakyan ng dalawang sundalo na miyembro ng Special Forces Batta-lion (SFB) at isang CAFGU sa lugar nang paputukan ng mga teroristang ASG na kanilang agarang ikinasawi.

Dalawang bata na 2 at 11-taong gulang na residen­te sa lugar ang minalas na tamaan ng ligaw na bala. Agad silang isinugod sa Integrated Provincial Health Office.  Gayunman, binawian ng buhay ang 2-anyos bandang alas-12:56 ng hapon habang ang isa na isang estudyante sa Brgy. Kagay Elementary School ay nasa mabuti nang kalagayan.

“We are deeply saddened by this very unfortunate incident that killed two of our valiant personnel and an innocent child,” pahayag ni Major General Corleto Vinluan, Jr.,  JTF Sulu commander.

Kinondena naman ni AFP-Westmincom Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang insidente at ipinaabot ang pakikiramay sa mga nauli-lang pamilya ng mga biktima.

SAYYAF AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with